Picasa

Mga Patakaran ng Programa

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng aming mga patakaran sa pagpapanatili ng isang karanasang Googley para sa iyo, mga user. Mangyaring igalang ang mga gabay na ito. Pana-panahon, maaari naming palitan ang aming mga patakaran ukol sa nilalaman ng materyal kaya mangyaring magbalik dito.

Pornograpiya at Kalaswaan:

Nakapopoot na Nilalaman: Ang mga user ay hindi maaaring mag-publish ng materyal na nagsusulong ng poot sa mga grupo ayon sa lahi o pinagmulang lipi, relihiyon, kapansanan, kasarian, edad, beteranong kalagayan, at nakagawiang kasarian/pagkakakilanlan sa kasarian.

Nilalamang Marahas: Ang mga user ay hindi maaaring direktang mag-publish ng mga banta ng karahasan sa sinumang tao o pangkat ng mga tao.

Copyright: Patakaran naming sumagot sa mga malilinaw na paunawa sa pinaghihinalaang paglabag sa copyright. Maaari kang magbasa ng higit pang impormasyon tungkol sa aming mga pamamaraan sa copyright.

Pribado at Kumpedensyal na Impormasyon: Hindi namin pinapayagan ang walang pahintulot na pag-publish ng pribado at kumpedensyal na impormasyon ng mga tao, katulad ng mga credit card number, Social Security Number, at driver’s o ibang numero ng lisensya.

Pagpapanggap: Hindi namin pinapayagan ang pagpapanggap bilang ibang tao sa pamamagitan ng aming mga serbisyo sa paraang naglalayong manlinlang o manlito ng ibang tao.

Labag sa Batas na Paggamit ng Mga Serbisyo: Ang aming mga produkto at serbisyo ay hindi dapat gamitin sa mga labag sa batas na layunin o sa pagpapalaganap ng mapanganib at ilegal na mga gawain. Ang iyong account ay maaaring matigil at maari kang maisumbong sa naaangkop na mga awtoridad.

Spam, Mga Mapanirang Code at Mga Virus: Hindi namin pinapayagan ang pag-spam o pagpapadala ng malware at mga virus.

Ang paggamit ng Picasa Web Albums ay sasailalim din sa Patakaran sa Nilalaman at Asal ng User ng Google+.

© Google · Patakaran sa Privacy · Patakaran ng Programa · Help Center · Gabay sa Pagsisimula